My Rainbow Dreams

Just Blogger Templates

Friday, December 9, 2011

Believe And Never Ever Quit


"A professional writer is an amateur who didn't quit." -Richard Bach-


Hindi ko alam kung papano at kailan nagsimula ang pangarap kong maging manunulat. Basta ang naaalala ko lang ay 'yong pinasulat kami noong Grade 6 titser namin ng article na pinamagatang "Ano ako sampung taon mula ngayon?" Eh, siyempre 'di ko na maalala 'yong buong article. Mahaba-haba din kasi 'yon. Ang naaalala ko lang ay iyong parteng sinabi kong nakikita ko ang sarili ko sampung taon mula noon na nasa harapan ng computer at tumitipa ng kuwento. Oh, 'di ba, bongga? May psychic power yata ako at nagkatotoo iyon o talagang malakas lang talaga ang determination ko kaya nagkatototoo ang hula kong iyon. 


Hindi ko pa alam ng mga panahong iyon kung ano ang gusto kng isulat. Genre, kumbaga. Basta ang alam ko lang, gusto kong magsulat. Gusto kong humabi ng kuwento. Gusto kong ilabas ang mga ideyang kumakalikot sa mura kong isipan.


Pero mula walong taong gulang ay nagbabasa na ako ng mga Tagalog pocketbooks at iyon marahil ang dahilan kaya't ginusto kong magsulat ng romance. Well, kasalanan ng Nanay ko kung bakit nagkaganun. Adik kasi siya sa pocketbooks dati. Inuutusan niya akong manghiram ng pocketbooks sa kapitbahay. At dahil kung ano ang ginagawa ng matatanda ay ginagaya ng bata, ayun at pati ako ay naengganyo na rin sa pagbabasa ng pocketbooks. At iyon marahil ang naging dahilan kung bakit ako naging manunulat ng Tagalog pocketbooks. 


But take note, hindi biro ang dinanas ko bago ako nakapag-publish ng isang libro. Medyo mahaba-habang kuwentuhan din 'yon kaya saka ko na lang iyon ikukuwento. Gabi na kasi at medyo pagod na rin ako. Pero promise, iku-kuwento ko rin 'yon 'pag may pagkakataon nang ma-inspire naman kayo ng bongga. At 'yon nga, 'di naging madali ang lahat sa akin. Pero pinilit ko pa rin. Hindi ako nagpatalo sa mga "REJECTS" na natatanggap ko mula sa mga publishers. Bakit? Dahil nauto ako ni Richard Bach. Napaniwala niya akong "A professional writer is an amateur who didn't quit." Kaya ayon, sulat pa rin ako ng sulat. Pasa pa rin ako ng pasa hanggang sa awa ng Diyos, eh, nakapasa din. And yes, it was all worth it. No, I'm not talking about the TF (talent fee, parang artista lang, eh, noh? hehe), but I'm referring to the satisfaction I felt the first time I saw the story that I had written took the form of a book. Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa tuwa ko ng mga panahong iyon.


Alam kong marami sa inyo ang gustong maging sikat na manunulat ng Tagalog Romance. Nakikita ko kasi sa Facebook. Ang  daming nagsusulat ng mga kuwento. 'Yong iba may potential. 'Yong iba naman, eh, lakas ng loob lang ang meron, hehe. 


But wait, kung gusto mo talagang magsulat at feeling mo, eh, walang makapagpapabago sa gusto mong 'yon then go. Huwag kang makinig sa sinasabi ng iba. Kebers! Eh, ano kung puro lakas ng loob lang ang meron ka? At least, eh, alam mo kung ano talaga ang gusto mo. Kaya sige. Sulat lang ng sulat. At subukan mo ring magpauto kay Richard Bach. Malay mo, tumalab din sa'yo. *winks*